DFAT (Davao Food Appreciation Tour) DAY 2

Wednesday, June 2, 2010



NOTE: This post will be written in a way the author can freely express her thoughts so this means a mixture of english, tagalog, bisaya and char lingo will be used. (hahahahaha) If you want to proceed reading this go find yourself a translator (hahahaha)

Day 2 ng DFAT (Davao Food Appreciation Tour) excited ang lahat. Medyo napa sarap tulog ko at medyo na late ako sa pag sundo ng mga passengers ko. (hehehehehe) Very thoughtful naman itong si Ria Jose at text ng text kung saan na kami and updates and reminders ng itinerary namin tinext the night before nakakatulog pa kaya un sya sa kaka alala?? hehehehehe

So nagising ako naligo and readied myself for the days adventure trek and zipline experience with my "Innova Airlines" umalis ako ng bahay. Una kong sinundo si Sarah Cada sa bahay ng tita nya. Next si Jonel Uy na naka stay sa Viajeros Tourist Inn. At sa di kalauyan naman si Melo Villareal na naka stay sa Lisphere Inn. Silang tatlo ang super kong naka bonding sa 3 day na lakwatsang ito hehehehe. Usap-usap kami sa loob ng "innova airlines" never a dull moment talaga laging may pinag uusapan kung ano ano lang. Syempre si Ria text na kung saan na kami at kung ok lang kami hehehehehe medyo na late kasi ako sa pag sundo sa kanila.









Dumating din kami sa Outland Adventure Xcelerator nasa Diversion Road lang ito ang dali nitong makita nasa harap lang kasi ito ng GAP Farm. Hindi lang Zipline ang nandun meron din silang Rope Course at Traverse Line. Nag register na kami at nag pay ng P300 each for the zipline meron din waiver na pina permahan sa amin.





Nang matapos maka pag register at bayad ang lahat nag gear up na kami at nakinig sa briefing ng kuya sa safety and sa trek course na lalakarin, lulusungin at aakyatin namin. Para ma prepare ang sarili ko sa physical activity na ito kumain ako ng "potato rolls" na galing sa Mam Bebs Bakeshop at bumili ako ng inumin para bitbit ko sa paglalakad.




And pinaka mahirap sa lahat ay ang paakyat na trek grabe uber ka steep ng bukid bilis ko hiningal hehehehe buti na lang madaming naka kalat ng paalala "PLEASE GO AT YOUR OWN PACE" meaning wag mag madali makakarating din kayo hehehehehe








Isa isa na kaming nag zipline ang iba na super daring na experience ang gusto nag INVERTED!!! meaning nito nag zipline sila ng patiwarik hahahaha gaya ni kuya Andrew Dela Serna, Dulce Lada, Ada Lajara at Dokie Joanna.





And iba normal lang seating position sina Cai Abbas, Mica Rodriguez, Jonel Uy, Melo Villareal. Ako naman kasama si sir Orman Manansala at si Peter "Pilot" nag superman position kami.


Ang pinaka funny sa experience na ito ay ang reaction ni sir Orman panay ang pag sign of the cross at ang official soundtrack for that time ay ang "Come Holy Spirit, I need you." Deep inside uber ang tension ni sir Orman dinadala nya na lang ito sa tawa at pag papatawa sa amin pero kitang kita ko sa likod ng cute smile nya na uber ang tension ni gandaeversomcuh (hehehehehe) sabi pa nya deep inside pinapanalangin nya na mag over the weight limit daw sya, eh sa hindi un nangyari ng dahil na din sa DIET nya nag bawas na kaya sya ng timbang and super no choice na sya he needs to proceed dahil hindi nya na din kakayanin pa ang trek pa balik (hehehehehe) super sakit ng tyan ko sa kakatawa ng turn na si sir Orman at nag "DARNA" talaga sya hehehehehe kaya etong si Chattee ginawaan sya ng appropriate na edited photo hehehehe.



Second sa funny list ko ay itong si Ada ang lakas kasi ng loob na mag inverted ayun kabado din pala at sumisigaw na parang kinakatay na baboy hahahahaha saying______ ay hindi pwede bad word pala un hehehehehe



Ay muntik ko nang maka limotan si Kevin pala ang nasa 3rd funny list ko kasi naka strap na sya at lahat lahat kulang na lang release bigla pa namannag ask, "SAFE BAH ITO??" hehehehehehe

Contact Numbers ng Outland: +6382-2245855 and +6382-2716067


Ako naka ilang zipline experience na ako so hindi na masyado thrilling for me pero super talaga akong na enjoy sa panonood ko sa mga kasama kong blogger a really priceless expressions and experience ang kaligayan ng pinadama nyo sa akin hehehehehehe Thank you at muntik na akong nabulunan sa kakatawa hahahahahaha








hala ang haba na ng nasulat ko OUTLAND pa lang ito…. fast forward tayo….

LUNCH sa PENONG'S



Nag lunch kami sa Penong's Barbeque Seafoods and Grill na nasa Sta. Ana Avenue, Davao City tabi ng isang chinese school sa likod ng Gaisano Mall. As usual ang daming taong kumakain doon pero buti naman at mabait ung mga waiters at na asikaso kami ng mabuti ang dami namin. Dumating din at nag Hi! sa amin ung may-ari na si Jayvee Tyron Uy.






In a way i hate and love Penong's (o wag muna mag react!!!) kasi ganito yan let me explain Love ko dahil ang sarap at ang juicy ng chicken barbeque nila iba talaga kaysa sa ibang bbq house (eto na!) Hate ko sya dahil na BREAK ko promise ko sa sarili ko na NO RICE!!! :( dalawang buwan na akong walang RICE and PENONG'S lang ang nagpa RICE ulit sa akin ngayon nahihirapan nanaman akong mag diet hehehehehe (o clear na tayo doon ha sa hate and love ko ang PENONG'S ha??!!!)

After Lunch may naka schedule na Google Precint Mapping ang mga Davao Bloggers naki mapping na din ang ibang bloggers doon ulit sa tambayan ng bloggers ang Mam Bebs Bakeshop. Pero ng dahil nga sa sobrang chika chika namin sa "innova airlines" nitong si Sarah eh na kwento ko ang JAPANESE TUNNEL na nadaanan namin kanina from Outland Adventure kasi nasa Diversion Road din naman un eh. Kaya ayun kaysa mag mapping ako, Sarah, Jonel, Melo at Lyle ay nag decide na mag side trip sa JAPANESE TUNNEL dahil itong si Sarah na aaliw sa historical things hehehehehe. In fairness may mga natutunan din naman ako doon sa Japanese Tunnel ang galing ng engineering technique ng mga Hapon noh??!!!





and the most awaited portion of the day….


Our dinner for the night is at Lachi's Sans Rival Atbp. This is the favorite place of Davao bloggers to dine. It's a small place pero always puno para naman maka upo ka at maka eat magpa reserve ka muna, ganun ka busy doon. Ang bait talaga ng mga owners na sina Mike at Melvin Abiles kahit ganoon sila ka puno everyday na nakuha nilang ipa close for the night ang LACHI'S just to cater all the bloggers o dba??!!! ganun ka love ng Lachi's ang mga bloggers and I know that the feeling it mutual hehehehehe





nag serve sila ng house favorite ng mga bloggers ang Unforgettable Pork Ribs, Pork Marinara, Breaded Tofu in teriyaki sauce (eto favorite ko diet gud daw ko!! char!! ), Laing and and newest addition sa menu Caldereta sarap na sarap kaming lahat sa food pero at the back of our minds we have to leave a space for dessert!!! ay sus mag sisisi ka kung binusog mo agad ang sarili mo kasi HINDI dapat palampasin ang mga CAKES!!! (you will miss half of your life talaga!!)



cakes for the night are: Sans Rival, Durian Cheesecake, Blueberry Cheesecake, Cherry Cheesecake, Sylvannas, Symphony Torte, Regal Chocolate Torte, 5 Chocolate Torte, Roasted Walnut Chocolate Cake, Dark Chocolate Supreme, Cashew Mocha.

They are located at VAL Learning Village, Ruby Street, Marfori Heights, Davao City
Contact Number: +63916-9841183

Thank you to: Orman Manansala, Ada Lada, Andrew Dela Serna and Miah for the PHOTOS!!! :)



7 comments:

atty magman said...

wala ako this time hehehe

atty magman said...

haaay sarap daw super sa Lachi's! ma try daw soon hehe

NomNomClub.com said...

Talagang edited for 'Darna' si Kuya. :)

Envy Me Salon said...

@jonel hehehehe yup edited si sir orman para DARNA sya hehehehe

@magman sus dapat hindi talaga palampasin ang lachi's sa davao balik gud ug davao ug gensan sa sunod kaang longer time para dili sayang ang hours na pag byahe….

Ada said...

Hahaha!! Donna! Ang cheerful ng post mo hehe! Nakakatawa talaga yung Zipline experience naten nakakamiss!!

Envy Me Salon said...

@ada yah nakakatawa talaga as in!!! esp. sir orman and you hehehehehe :) while writing nga kanina natatawa ako hehehehehehe and yes uber nakaka miss!!! see you soon!!! :)

Lyle said...

Kahit di ako sumama sa taas para magzip, enjoy pa rin kami ni Ria sa baba watching everyone scream their lungs out.

Thank you for being part of DFAT 2010, Donna!

Until next time.